Isang Talang Nagniningning
“ Hindi nakabubuti sa isang tao na magpatuloy mag-isa, kailangan niya ang isang kaibigan”. Isang kasabihan na nagpailaw at nagpayani sa aking puso at isipan na kailangang kumilala ng isang taong magbibigay sa akin ng kasiyahan at minsang kalungkutan.
Matulungin, makaDiyos at maunawain, mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. Isang taong nagging karamay ko noon at hanggang ngayon. Siya ang taong hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ko, ang aking kaibigan. Nang ako’y nasa elementarya pa lamang, aking naranasan ang magkaroon ng isang kaibigan. Lagi ko siyang kasama saan man ako magpunta, lagging magkasama sa hirap at ginhawa, sa kasiyahan at kalungkutan. Masaya talaga ang magkaroon ng isang kaibigang masayahin at mapagkumbaba, kahit na kayo’y minsan ay nagkakatampuhan, kayo pa rin ay nagkakasundo anumang mangyari. Kaya naman, masasabi kong matatag an gaming pagkakaibigan dahil lagi kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay.
Siya ang nag-iisang tala na hanggang ngayon ay nagniningning pa rin dahil siya ang nag-iisang JAMAICA A. GRADO, ang matalik kong kaibigan…
Iyan ung sulating pangwakas ko noong second year ako… at feature dyan ang bestfriend ko noon at ngayon…

This is my bestfriend Jamaica but i call her as "jam" for short...
Naging magbestfriend kami siguro kasi parehas kaming payat...parehas kaming maliit kaya laging nasa unahan 'pag Flag Ceremony na... hehe...
Maganda siya at matalino pa...syempre bestfriend kaming dal'wa kaya matalino rin ako...Siya iyong taong nandyan lagi to comfort you... she's so kind and i love her for that... Hindi na kami masyadong nagkikita ngayon, pero I'm happy na ganoon pa rin ang turing niya sa akin... Thank you Lord for giving her into my life...
No comments:
Post a Comment